Sa Aking Pag-iisa
Sa aking pag-iisa, lungkot ang nadarama
Ngiti sa mga labi, hindi mapupuna
Walang magawa kundi tumangis sa isang sulok
Kung saan itinatago ang nadaramang poot.
Ngiti sa mga labi, hindi mapupuna
Walang magawa kundi tumangis sa isang sulok
Kung saan itinatago ang nadaramang poot.
Hindi mawari kung bakit laging naiiwan
Naiiwan nga ba o sadyang iniiwanan?
Nasaan ang sagot? Ito pa kaya ay matutunton?
Upang itong problema'y magkaroon ng solusyon.
Naiiwan nga ba o sadyang iniiwanan?
Nasaan ang sagot? Ito pa kaya ay matutunton?
Upang itong problema'y magkaroon ng solusyon.
Sa aking pag-iisa, laging naiisip
Mayroon bang mali kaya hindi magawang sumilip
ng mga paru-paro at bulaklak sa paligid?
At sa halip luhang nangingilid.
Mayroon bang mali kaya hindi magawang sumilip
ng mga paru-paro at bulaklak sa paligid?
At sa halip luhang nangingilid.
Masasayang alaala dinadaan na lang sa panaginip
Anong ligaya sa tuwing nakapikit?
Dahil dito lamang makikita ang sayang ninanais
Kaya oras sana'y huwag ng ipagkait.
Anong ligaya sa tuwing nakapikit?
Dahil dito lamang makikita ang sayang ninanais
Kaya oras sana'y huwag ng ipagkait.
Sa aking pag-iisa ay kaydilim ng paligid
Para bang ang aking mundo'y puno lamang ng pait
Ang bigat na nadarama'y hindi alam pa'no maalis
Kaya ito'y dinaraan na lamang sa tahimik na pagtangis.
Para bang ang aking mundo'y puno lamang ng pait
Ang bigat na nadarama'y hindi alam pa'no maalis
Kaya ito'y dinaraan na lamang sa tahimik na pagtangis.
Tanging hiling ko lamang buhay ay magkakulay
Mapuno ng ligaya, mawala ang lumbay
Liwanag na hanap kailan kaya makikita?
Kung parati na lamang naiiwang magisa.
Mapuno ng ligaya, mawala ang lumbay
Liwanag na hanap kailan kaya makikita?
Kung parati na lamang naiiwang magisa.
O Diyos ko, tulungan Mo ako
Alisin ang anumang bagabag sa puso
Huwag hayaang lungkot ang maghari
Nang pagsikat ng araw muli pang masaksi.
Alisin ang anumang bagabag sa puso
Huwag hayaang lungkot ang maghari
Nang pagsikat ng araw muli pang masaksi.
Nawa'y pakinggan itong aking dasal
Ako'y samahan sa aking paglalakbay
Nang magandang paraiso'y aking matagpuan
At hindi na madama pa ang sakit ng pag-iisa.
Ako'y samahan sa aking paglalakbay
Nang magandang paraiso'y aking matagpuan
At hindi na madama pa ang sakit ng pag-iisa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento